8

Oct 23, 2020 @ 20:53
By

UAAP may bagong tahanan na

Sigurado na ang pag-eere ng UAAP sa telebisyon sa bagong broadcast partner.

Nagkasundo na ang UAAP at Cignal TV sa lima’t kalahating taon na partnership para sa pagpapalabas ng kanilang mga laro at iba pang content.

Magsisimula ang kanilang partnership sa UAAP Season 83.

“As part of this collaboration, select events of the UAAP will be aired live on One Sports channel and its other digital assets, ensuring an engaging and expansive coverage across different multimedia platforms,” saad sa pahayag.

“With its affiliate network, TV5, their combined experience in sports production provides the UAAP with a strong foundation in its efforts to promote collegiate sports in the country.”

Huling napanood ang UAAP sa ABS-CBN ngunit dahil sa pagkait ng prangkisa sa network ay kinailangan maghanap ng bagong broadcast partner ng collegiate league.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?