23

By

UAAP: Ateneo, FEU agawan sa second finals berth

Sharing is caring!

Laro ngayon (MOA Arena)

4 p.m. – FEU vs. Ateneo

Nalusaw ang twice-to-beat advantage ng top seed Ateneo matapos lumuhod sa No. 4 FEU 80-67 noong Linggo sa 80th UAAP basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Bawal nang kumurap sa pagitan ng Blue Eagles at Tamaraws, sasampa sa championship round ang mananalo mamayang hapon sa Mall of Asia Arena.

Muling sasandalan ni FEU coach Olsen Racela sina Ron Dennison, Arvin Tolentino at Hubert Cani para duplikahin ang panalo sa Ateneo.

Nagtala si Dennison ng 17 points, eight rebounds at three assists sa Game 1, kumana sina Tolentino at Cani ng 13 at 11 points.

Nirebisa ng Ateneo ang huling da­lawang laro – kasama ang talo a De La Salle sa pagtatapos ng eliminations – para makagawa agad ng paraan.

Sinabi pa ni coach Tab Baldwin na bumaba ang kumpiyansa ng Eagles sa back-to-back losses.

“I think our confidence kind of went down and I hate to see that,” aniya.

Nag-aabang ang defending champion De La Salle sa best-of-three finals matapos patalsikin sa kontrobersyal na laro ang Adamson noong Sabado. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?