10

By

UAAP: Adamson nagpakaba, UE tinalupan

Sharing is caring!

Naharap sa 20-3 na tambak ang Adamson Soaring Falcons sa simula ng laban, ngunit nakahanap pa rin sila ng paraan na makabalik sa laro.

Naging matikas sa simula ang UE Red Warriors, ngunit pagpasok ng second half ay nagpakitang-angas na ang tandem nina Adamson player Jerrick Ahanmisi at Sean Manganti, na nagtulong upang masikwat ang panalo.

Natapos ang laban, 85-72, na lalong nagpatibay sa puwesto ng Falcons sa ikalawang puwesto, 10-3, samantalang bagsak naman sa 1-11 ang UE.

“Of course that we still have to look at the remaining schedule this weekend, they were saying it’s a crucial weekend for everybody. That’s a problem, sometimes when you have a flat start, they think the opposing team that will just roll over. It was a different scenario,” pakli ni Adamson coach Franz Pumaren.

“They were aggressive, they were enjoying the game actually, pressure-free sila. It’s a good thing we were able to regroup, and I gave them some sweet nothings at half time,” dagdag pa niya.

Kumamada si Ahanmisi ng 23 puntos, samantalang umayuda si Manganti ng 19 puntos at dalawang steals.

Naging maganda naman ang gising ni Alvin Pasaol para sa UE. kumolekta ng 24 points, 10 rebounds at tatlong steals habang may 19 markers naman si Philip Manalang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?