55

Feb 26, 2020 @ 17:43
By

UAAP 82 volleyball bobomba sa Marso 3

Matapos ang tatlong linggong paghihintay, aaksyon na ang pinaka-aabangang UAAP Season 82 volleyball tournament na magsisimula sa Marso 3.

Naudlot ang dapat na Pebrero 15 na pagsisimula ng volleyball tournament matapos i-postpone ng UAAP ang second semester sports event dahil sa COVID-19 outbreak.

Unang hahataw para sa opening sa Marso 3, Martes ang UE Lady Warriors at FEU Lady Tamaraws, alas-3:30 ng hapon sa SM Mall of Asia Arena.

Magtatagpo naman sa Marso 4, Miyerkoles ang UST Golden Tigresses kontra NU Lady Bulldogs, alas-10:30 ng umaga at battle of Katipunan match-up ng defending champions Ateneo Lady Eagles laban sa UP Fighting Maroons alas-3:30 ng hapon.

Marso 7, Sabado ay maghaharap naman ang UP kontra UE alas-10:30 ng umaga at rivalry game ng DLSU Lady Spikers versus Ateneo alas-3:30 ng hapon.

Alas-10:30 ng umaga ng Marso 8, Linggo magtatapat naman ang NU laban sa Adamson Lady Falcons at alas-3:30 ng hapon naman ang match-up ng FEU kontra UST.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?