116

Dec 5, 2017 @ 9:43
By

UAAP 49-point scorer sa PBA-DL

Tatrangkuhan ng mga kamador na sina Alvin Pasaol at Arvin Tolentino ang mga bagong aspirante na magbabanda ng kanilang tikas at angas sa 8th Philippine Basketball Association Developmental League Aspirants’ Cup 2018 na magbubukas sa darating na Jan. 18.

Bago iyon, isasagawa muna ang 5th PBA D-League Rookie Draft 2017 sa PBA Cafe, Metrowalk, Pasig sa Dec. 12, na rito’y tatrangko ang dalawang forwards sa 201 rookies na nag-submit ng applications sa developmental league’s annual neophyte selection, hagdanan pa-pro league.

Nagpasikat si Pasaol natapos na 80th UAAP 2017 season nang kumamada ng 49 points sa University of the East, pinagpatuloy ang pananalasa para katakutan ngayong scorer sa amateur ranks.

Si Tolentino, sa kabilang banda, muling napagliyab ang kanyang sulo at isa na ngayong kinatatakutang tirador ng Far Eastern University sa nasabi ring collegiate league.

Pero inaasahang marami pang mga mabubunot sa nalalapit na okasyon para magpakita. Ilan pa sa batambatang malalaki sa rookie pool sina Jeo Ambohot ng Letran, Abu Tratter ng La Salle, Richard Escoto ng FEU, at Christian Buñag ng Mapua.

Sa forwards ay sina Javi Gomez de Liaño at Rob Ricafort ng UP, Sean Manganti ng Adamson, Jayson David at JM Calma ng San Sebastian, at Rence Alcoriza at Michael Cañete ng Arellano.

At sa guard naman ay sina RK Ilagan at Renzo Navarro ng San Sebastian, Robbie Manalang ng Adamson, Hubert Cani, Wendell Comboy, at Joe Trinidad ng FEU, Levi dela Cruz ng Arellano, Jordan Sta. Ana ng UST, Philip Manalang ng UE, at Keith Pido ng Perpetual. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?