202

By

U2 vocalist kay Duterte: Hindi dapat nakikipagkompromiso pagdating sa human rights

Walang plano si U2 lead vocalist Bono na makilala nang personal si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kilala si Bono bilang advocate ng human rights, gender equality at health care.

“I’ve no plans,” ang maiksing sagot ni Bono, na Paul Hewson ang tunay na pangalan, nang tanungin nitong Martes kung may plano siyang makita ang Pangulo.

“President Duterte is very popular, he doesn’t need me on his side,” dagdag pa niya.

Dumating sa bansa ang Irish rock band dahil nakatakda nilang concert sa Disyembre 11 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?