124

Aug 8, 2019 @ 17:48
By

U-turn sa EDSA-Santolan pinabubuksan ng MMDA

Hihiritin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Philippine National Police-Highway Patrol Group na buksan ang U-turn slots sa EDSA-Santolan bilang bahagi ng kanilang aksyon sa pagpapabilis sa trapiko.

Ayon kay EDSA supervising officer Col. Bong Nebrija, napapansin umano ng kanilang ahensiya na bumabara ang trapiko sa lugar partikular na sa mga U-turn slot sa ilalim ng flyover kaya kailangang buksan ito upang may alternatibong daanan ang mga sasakyan.

Ang HPG naman ang inatasang magmando ng trapiko sa lugar dahil sa ang panulukan ng EDSA at Santolan Road ay nasa tapat ng Camp Crame, ang himpilan ng PNP.

Sa kasalukuyan, mahigpit na pagbabantay ang ginagawa ng MMDA Monitoring and Command Center sa southbound lane ng EDSA sa Santolan at mga bahagi ng Regalia, Aurora at Cubao.

Aabot sa 378 ang tauhan ng MMDA na nakatalaga sa EDSA at 340 dito ay hinati sa tatlong shift habang 80 ang nakamonitor sa kanilang metrobase.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?