6

Aug 1, 2020 @ 20:35
By

Tyson pinahihilata sa sofa ng 8 anak

Mas gusto ng walong anak ni Mike Tyson na manatili na lang siyang retirado at humilata sa kanilang sofa sa loob ng bahay.

“My kids think I should sit my old ass down,” kuwento ni 54-year old former heavyweight champion Tyson sa ‘The Jimmy Fallon Show’.

“But what do they know? I’m very confident. They don’t know how to fight, neither one of my kids can beat me in a fight, so what are they talking about?”

Huling lumaban at natalo si Tyson taong 2005 kontra Kevin McBride.

Nakatakda itong sumabak sa isang exhibition bout laban sa dating four division world champion na si 51-year old Roy Jones Jr. sa Setyembre 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?