26

Dec 27, 2017 @ 17:44

Tyson Chandler binuhat ang Suns sa alley-oop dunk kontra Grizzlies

Binuhat ng dunk ni Tyson Chandler mula sa inbounds pass ni Dragan Bender sa kabilang kanto ang Phoenix Suns para maitakbo ang panalo kontra Memphis Grizzlies, 99-97, nitong Martes (Miyerkules, Manila time).

Nagawa pang makaabante ng Suns sa pamamagitan ng mabilisang alley-oop dunk ni Chandler sa 0.4 segundo na nalalabi sa orasan.

Perpekto ang pasa ng bola ni Bender at nagawang makatalon ni Chandler sa nagbabantay sa kanya para sa nakakagitlang slam dunk.

Nirebyu muna ng officials kung counted ang dakdak na ito ni Chandler at matapos ang review ay binilang ang dunk pabor sa Suns.

Bigo namang maitabla ni Kobi Simmons ang iskor sa final buzzer ng laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?