124

Tyra Banks hindi maka-move on sa ‘lava walk’ ni Catriona

Sharing is caring!

May posibilidad na mag-“lava walk” nang sabay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at international supermodel Tyra Banks.

Ito ay dahil tila hindi makalimutan ni Banks ang winning walk ng beauty queen matapos i-tweet muli ng una ang naturang pagrampa.

“Can’t stop thinking about that #LavaWalk,” sabi ni Banks.

Sinagot ito ng Miss Universe at sinabing, “We would love to see you and @catrionaelisa #lavawalk together!”

Ilang netizens din ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na makita ang dalawa na mag-“lava walk”.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?