241

Jul 8, 2018 @ 16:22
By

Tyler Honeycut nag-suicide sa loob ng bahay

Patay nang matagpuan ang basketball star ng University of California si Tyler Honeycutt sa Los Angeles matapos ang matinding argumento nila ng Los Angeles police.

Ayon sa kanyang former high school coach na si Bort Escoto, nagkulong ang 27 anyos na si Honeycutt sa kanyang bahay at binaril ang sarili.

Nagsimula ang insidente ng may tumawag sa LA police patungkol sa isang lalaki na may hawak umano ng baril.

Nireport rin ng ina ni Honeycutt sa local television station na ABC7 ang kakaibang kinikilos ng kanyang anak.

Umabot ng dakong alas-4 ng umaga ang matinding argumento ng pulisya at ni Honeycutt bago itong matagpuan patay.

“He was a great kid to be around. But he was having some problems. From what I know, he shot himself,” sabi ni Escoto.

2009-2011 nang maglaro si Honeycutt para sa UCLA. Naging second-round pick din siya ng Sacramento Kings sa 2011 NBA Draft at nakapaglaro ng 24 games sa 2 NBA season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?