By

Tyler ‘alang gana, Castro kumakasa

Sharing is caring!

Matamlay ang laro ni import Jeremy Tyler, binalikat ni veteran point guard Jayson Castro ang TNT KaTropa para itulak sa 96-92 panalo kontra Ginebra nu’ng Linggo sa MOA Arena.

Perpekto pa sa tatlong laro sa PBA Commissioner’s Cup ang Texters, unang ipinagtutumba ang GlobalPort at Phoenix. Nalubog naman sa 0-2 ang Gin Kings.

Galing ospital daw si Tyler, hindi nga nakapagpraktis sa TNT.

Nang sumalang sa court, katiting na two points lang ang kinaya niya, 0 for 5 sa field. Nagbaba siya ng 15 rebounds, may three assists, two steals at two blocks panapal sa six turnovers sa loob ng 34:04.

“Malaking tulong siya kasi hindi lang naman points ang kailangan namin sa kanya,” wika ni Castro sa kanilang import. “He anchored our defense and malaking bagay din ‘yung leadership niya.”

Malamig din ang isa pang kamador ni coach Nash Racela na si Terrence Romeo, nagkasya lang sa three points mula sa 1 of 9 shooting, galing ang iskor sa isang pumasok mula sa limang pukol sa labas ng arc.

Off the bench ay tumapos si Castro ng 27 points, pinakaimportante ang dalawang 3-pointers nang kumalas ang TNT sa fourth. (Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?