220

Oct 5, 2021 @ 16:14
By

Twitterverse, niyanig ni BBM

Matapos ang mag-anunsyo ng kanyang kandidatura bilang pangulo sa 2022 si dating Senador Bongbong Marcos, sa Twitter nagpunta ang mga taga-suporta niya upang mag-ingay.

Bitbit ang hashtag na #BBMIsMyPresident2022, todo-post ang mga solid-Marcos bilang paraan ng pagsuporta sa dating senador.

“I want to make the Philippines a Better Place,” saad ni @Sandra_Aquino27.

“We Shall Make This Great Nation Again,” pahayag naman ni @HaroldJamesGar2.

Ngunit mas naging maingay ang topic ‘Cheating’ na pinalutang din ng mga taga-suporta ni Marcos dahil sa palagay nila ay dinaya ito noong tumakbo ang dating senador bilang pangalawang pangulo noong 2016.

“#NeverAgain to Cheating” ang kanilang sigaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?