77

Oct 24, 2017 @ 14:41

Twitter ni Maine buhay na naman

Lumutang na si Maine Mendoza sa Twitter matapos ang ilang buwang pamamahinga sa social media platform. Hindi niya kinaya ang mga nega at bangayan sa ilang fans kaya naman nag-goodbye siya rito pansamantala.

Ang mga huling tweets ni Maine ay noong June 3, 2017 bago siya nag-deactivate ng account.

“I hope we all stop pulling each other down.

“Sometimes we need to disconnect to reconnect. Taking a break is necessary to save yourself and others from drowning.

“When peace & love are no longer being served; and whenever u find yourself taking in so much negativity, you have to take a break & reflect.”

Nu’ng Sunday, nabuhay muli ang account ni Meng na @mainedcm. Itinaon niya ‘yon sa katatapos na ADNFestival2017 sa Pasay City. Kasama niya si Alden (Richards) sa event na ‘yon.

“Thank you very much, AldubNation! Salamat sa suporta at pagmamahal na walang sawa niyong binibigay! #ADNFestival2017,” tweet ni Maine.

Nagpahatid din ng pasasalamat si Alden sa kanyang account. “Thank you ALDUBNation. #ADNFestival2017.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?