By

Twin brothers ni Pauline namatay sa SCID

Sharing is caring!

We stand corrected. Hindi dual ang role ni Bianca Umali sa Kambal Karibal dahil iba ang aktres na gumaganap na ghost twin niya, ang 18-year-old aspiring star na si Pauline Mendoza.

Contract star si Pauline ng GMA Artist Center at isang taon na ang showbiz career niya. Bago siya nabigyan ng malaking break sa Kambal Karibal, lumabas na si Pauline sa ibang mga programa ng Kapuso Network, ang That’s My Amboy, Alyas Robin Hood Season 1 at My Love From The Star.

“Dati po, model ako ng Mossimo, tapos may nakakita sa akin, pinag-audition niya ako sa GMAAC. Luckily, napili ako,” ang pagpapakilala ni Pauline na ginamit na screen family name ang Mendoza dahil mahirap bigkasin ang kanyang apelyido na Esquieres.

Ang kanyang karakter sa Kambal Karibal ang itinuturing ni Pauline na biggest role niya dahil kasama siya ni Bianca sa lahat ng mga eksena.

“Makakasama ako ni Bianca sa lahat ng eksena kasi lagi ko siyang poprotektahan. Hindi naman maldita ‘yung role ko, masyado lang protective sa kapatid ko,” ang paliwanag ni Pauline tungkol sa role niya sa Kambal Karibal na mapapanood sa primetime slot ng GMA 7 simula sa darating na Lunes, November 27.

 

Nag-iisang anak si Pauline dahil namatay ang twin brothers niya na hindi nalalayo sa plot ng Kambal Karibal. Ironically, SCID (severe combined immunodeficiency) ang ikinamatay ng karakter niya sa teleserye ng Kapuso Network at SCID din ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang kambal na kapatid.

Severe Combined Immune Deficiency (SCID, pronounced “skid”) is a potentially fatal primary immunodeficiency in which there is combined absence of T-lymphocyte and B-lymphocyte function.

There are at least 13 different genetic defects that can cause SCID. These defects lead to extreme susceptibility to very serious infections. This condition is generally considered to be the most serious of the primary immunodeficiencies. Fortunately, effective treatments, such as stem cell transplantation, exist that can cure the disorder. The future holds the promise of gene therapy for several more types of SCID, ang definition ng www.primaryimmune.org tungkol sa karamdaman na tatalakayin sa kuwento ng Kambal Karibal.

“Only child po ako. Actually, may twin brothers po ako pero bata pa lang sila, namatay na. Hindi pa ako naipapanganak noon. Mas nauna sila sa akin. ’Yung isa, nag-last ng three months, ‘yung isa, weeks lang,” ang impormasyon ni Pauline tungkol sa kanyang mga kapatid na pumanaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?