8

Aug 26, 2020 @ 16:09
By

Twin bombing sa Jolo inako ng Islamic State

Inako ng Islamic State ang magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Lunes na kumitil ng 15 katao at nakasugat ng 78 pa.

Ayon sa militar, dalawang suicide bomber ang dahilan nito, na pinaniniwalaang mga supporter ng Islamic State.

Batay sa report ng SITE Intelligence, isang US-based group na nagbabantay sa online communication ng mga Muslim militant group, naglabas ng pahayag ang IS East Asia province na umaako sa nasabing pag-atake.

Binanggit din ng SITE na nagdiwang ang mga tagasuporta ng Islamic State nationwide dahil sa casualties, kabilang doon ang ilang sundalo at pulis.

Nangyari ang unang pambobomba bago magtanghali noong Lunes sa Barangay Walled City.

Makalipas ang isang oras naganap ang ikalawang pagsabog, ilang metro lang ang layo mula sa unang pagsabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?