58

Twice-to-beat advantage ng UP, dedma kay Ayo

Matapos manaig nitong Miyerkoles kontra FEU Tamaraws, paghahandaan naman ng UST Growling Tigers at ni head coach Aldin Ayo ang susunod nilang makakatapat sa stepladder semifinals ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament.

Magtatagpo sa Linggo, Nobyembre 10, ang UST at UP Fighting Maroons na may twice-to-beat advantage.

“We’re going to take it one game at a time. Talagang isa lang ‘yan eh. Hindi mo dapat iisipin ‘yung pangalawa, hindi mo dapat iisipin ‘yung susunod, kung ano nasa harapan mo ‘yun ‘yung dapat isipin mo,” saad ni coach Ayo.

Ipinunto rin ni coach Ayo na hindi pwedeng maliitin ang kampo ng Fighting Maroons lalo pa’t tumitindi ang mga laban sa torneo.

“Now, some of you will say that we are 2-0 against UP, but they are a different team right now. And ‘yung mga nangyari dun sa elimination, it won’t matter anymore because they’re a different team and this is the Final Four,” paliwanag ni coach Ayo.

“Lahat gagawin dito. Kung ano man dapat nilang gawin of course they’re going to do that.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?