59

Oct 29, 2017 @ 10:19

Twice-to-beat ang Eagles

Mga laro ngayon
(MOA Arena)
2 p.m. – UST vs. DLSU
4 p.m. – Adamson vs. NU

Ibinulsa ng Ateneo ang twice-to-beat incentive sa bisa ng 97-73 panalo laban sa UE kahapon sa 80th UAAP basketball sa Mall of Asia Arena.

Kumayod si Thirdy Ravena ng 17 points, eight rebounds at four assists para tulungan ang Blue Eagles na pahabain ang unbeaten run sa 11.

Pero posibleng mawala sa Katipunan-based squad ang twice-to-beat dahil mapapalitan ng outright finals berth kasama ang thrice-to-beat advantage kapag na-sweep ang 14-game eliminations.

“We are happy to get this win under our belt,” ani Ateneo coach Tab Baldwin. “Every game is a step forward for our team.”

Tumikada si Jolo Mendoza ng 13 puntos para sa Blue eagles na hinawakan ang 13-point lead, 48-35, sa halftime.

Nagpakita rin ng matinding depensa ang Eagles, nilimitahan sa eight points lang ang kamador ng Red Warriors (3-9) na si Alvin Pasaol. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?