320

Mar 25, 2020 @ 22:53
By

Tweet ni Enchong, maraming dumugtong: [Koko Pimentel is ….]

Di naawat maging ang actor na si Enchong Dee nang mag-react ito at mag-iwan ng tanong sa mga netizen sa kanyang twitter account ng: “Koko Pimentel is……”

Nito lamang kasing Miyerkules ay pinutakte nang pamba-bash si Senator Koko Pimentel nang pumunta ito sa Makati Medical Center at samahan ang buntis niyang misis gayong batid nitong siya ay person under investigation na at kalaunan ay nagpositibo na rin sa Covid-19.

Sa tweet ni 31-anyos actor ay tila pinaubaya na lamang nito sa kanyang mga fan kung ano ang gusto nilang idugtong sa kanyang tanong.

Marami naman sa followers nito ang dumugtong sa tweet ni model Enchong.

@lakwatsarah: [Koko Pimentel is ….] “not using his kokote”

@noringai: [Koko Pimentel is ….] “Irresponsible and selfish”

@vin2880: [Koko Pimentel is ….] “Walang kokote”

@gangbadoy: ” [Koko Pimentel is ….] “something else”

@thedoubleduke: [Koko Pimentel is ….] “is tanga…”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?