883

May 10, 2021 @ 8:59
By

TV5 cameraman binugbog sa Gubat sa Ciudad

Sugatan ang mukha ng isang cameraman matapos umano itong saktan habang nagko-cover sa Gubat sa Ciudad Resort sa Caloocan.

Ayon sa report ng DZRH, binugbog umano si Arnel Tugade dahil nagalit umano ang mga customer ng naturang resort sa cameraman ng TV5.

Sinisi umano ng mga customer ang media sa pagko-cover sa resort na pinasara dahil nanatiling bukas sa kabila ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at dinumog nitong Mother’s Day.

Kuwento ni Tugade, magkakapatid na construction worker umano ang nanakit sa kanya, na aniya’y mukhang nakainom pa.

Desidido ang cameraman na manapagot ang tatlong construction worker na nambugbog sa kanya.

“Hindi natin palalagpasin itong mga ito. Para ho magtanda. Tayo trabaho lang tayo eh. Mula doon sa taas ng mata hanggang ilong [ang injury],” saad ni Tugade.

Nitong Linggo ay ipinasara ang naturang resort at nag-utos na si Caloocan Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan na kanselahin ang business permit ng Gubat sa Ciudad.

Nag-utos din si Malapitan ng contact tracing at RT-PCR testing sa lahat ng indibiduwal na nagtungo sa resort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?