37

Sep 22, 2021 @ 18:52
By

TV host niratrat ng ‘ARMY’

‘Di na lang basta-basta mananahimik ang mga ARMY lalo pa’t nabastos ang kanilang BTS.

Binugbog sa Twitter ngayong Miyerkoles ang English TV host na si James Corden kaugnay ng kanyang mga pahayag laban sa BTS sa naging paglabas ng grupo sa 76th United Nations National Assembly (UNGA).

Bagamat burado na sa Twitter account ng ‘The Late Late Show’ ang video ng sinabi ni Corden tungkol sa Korean group, ‘di na ito nakalampas sa mata ng mga ARMY.

“It started with some pretty unusual visitors. BTS were there. BTS visited the UN. Although lots of people are saying, ‘why are BTS there?,’ the world leaders have no choice but to take BTS seriously,” pahayag ni Corden sa video.

“Historic moment. It actually marks the first time 15-year-old girls everywhere found themselves wishing that they were Secretary-General António Guterres,” dugtong pa niya.

Nagkaroon ng speech at nag-perform ang BTS sa UNGA noong Lunes bilang Special Presidential Envoys for Future Generations and Culture ni Korean President Moon Jae In.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?