8

Jul 28, 2020 @ 10:17
By

TV frequency na binalik sa gobyerno gagamitin sa e-learning – Duterte

Ipapagamit ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa “e-learning” ng Department of Education (DepEd) ang mga television frequency na binawi ng gobyerno mula sa mga pribadong kumpanya o indibidwal.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes para makaagapay sa bagong sistema ng pagtuturo dahil sa epekto ng COVID pandemic.

Sinabi ng Pangulo na sisimulan na ang blended learning para sa mga estudyante at mahalagang may sapat na magagamit ang gobyerno para sa pagtuturo gamit ang radyo at telebisyon.

“TV frequencies reverted back to tge government for whatever cause or reason shall be used to cope with the demandof the next nornal. These will be used to provide uninterrupted quality education to our children in our shift to e-learning,” ayon sa Pangulo.

Inatasan ng Pangulo ang mga pinuno ng Department of Justice (DOJ), Department of Information and Communications Technology (DICT) ,Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management (DBM) na bumalangkas ng integrated program at implementation mechanism para matiyak na magamit ng husto ang mga TV frequencies sa pamamagitan ng government television na PTV4 para mapakinabangan ng mga Pilipino.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na sa kanyang nalalabing dalawang taong termino ay titiyakin nitong magiging prayoridad ang gobyerno sa paggamit ng airwaves o linya para sa kapakinabangan ng sambayanan.

Kung ano aniya ang matitira ay siyang ibibigay sa pribadong sektor o pribadong indibidwal.

“All that is good that belongs to government, whether it be airwaves, whether it be the lines, or whatever tha is good for the people, will belong to the government and it should be government who should be given the first option to utilize them. Ang sobra, kanila,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?