581

Dec 20, 2017 @ 19:14
By

‘Tuyo’ ni Regine mabenta ngayong Pasko

Ang cute ng bottled gourmet tuyo, bangus at iba pa na ipinangreregalo ngayong Christmas ng mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid sa kanilang mga kaibigan at katrabaho. Bale negosyo nila mismo ‘yung mga ipinangreregalo nila.

Tinawag nilang Greenfood ang business nilang ito.

“It was a business owned by our friend Sushi Reyes (back-up singer nila) then we invested money into it,” kuwento ni Ogie at natutuwa nga siya dahil maraming nagsasabing masarap ang mga produkto nila.

Kasisimula pa lang ng business nila, kaya hindi pa naman ito available nationwide, pero inaayos na raw nila ang tungkol sa distribution.

Mismong si Regine na mahilig ding magluto (at kumain) ang magiging endorser ng kanilang Greenfood products. Ilang mga kaibigan nga pala ng mag-asawa ang nagandahan sa idea na ipangregalo ‘yon ngayong Kapaskuhan kaya may iba rin na um-order sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?