445

Sep 27, 2019 @ 17:08
By

‘Tuwalya boys’ nag-viral sa socmed

Pinaiimbestigahan na ng Iloilo City government ang tatlong kabataan na bumili ng pagkain sa isang fast food chain habang nakasuot lang ng tuwalya.

Ito’y matapos umanong madismaya si Mayor Jerry Treñas nang makita ang kumalat na mga litrato.

Makikita ang tatlong lalaki na nakasuot lang ng tuwalya habang umoorder ng pagkain sa fast food chain sa loob ng isang mall sa Mandurriao District.

Nangyari umano ang insidente noong September 21.

Ang mga litrato ay binahagi ng netizen na si Quennie P. Verde, isa sa mga customer ng fast food chain.

Nag-viral ito at humamig ng libong likes at shares.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?