42

Feb 8, 2021 @ 20:03
By

Tuta isinilang na 1 lang ang mata

Isang tuta ang viral sa social media matapos isilang na may kakaibang itsura. Isa lang ang mata nito na nasa gitna ng kanyang ulo.

Ayon sa owner ng aso na si Amie de Martin, noong Sabado ipinanganak sa Tangalan, Aklan ang aso pero agad din itong namatay dahil sa kanyang kondisyon na tinatawag na “cyclopia”.

Batay sa Boracay Island News Network, ang lalaking tuta ay pinaghalong Aspin at Japanese Spitz.

Nagdesisyon umano ang may-ari na i-preserve ang tuta bilang remembrance sa kanilang pamilya.

Samantala, normal naman ang limang kapatid ng binansagang “cyclops puppy”.

Breaking: sangka cyclop dog gin unga sa Tangalan, Aklan. Standby for details tomorrow!(Abangan sa Boracay Island News Network sa youtube feb 15 episode)

Posted by Boracay Island News Network on Sunday, February 7, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?