26

Sep 11, 2021 @ 16:28
By

Turukan sa masa lalarga na

Natakdang simulan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa general public o pangkalahatang populasyon sa susunod na buwan, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Sinabi ito ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa inaasahang pagdating ng mahigit 61 milyong dose ng bakuna nitong Setyembre at sa Oktubre.

“Kung dumating iyong 61 million [doses] puwede na tayong magkaroon ng tinatawag na general population [vaccination] na tayo this coming October,” wika niya.

Dagdag niya, inaasahan nitong buwan ang matatag na supply sa bansa ng bakunang Sinovac at Pfizer pati na rin ang mula sa donasyon ng US-COVAX.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?