17

May 15, 2021 @ 11:36
By

‘Turukan’ sa Big Dome arangkada na

Nagsimula na ang Quezon City government ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa mega vaccination site na Smart Araneta Coliseum sa Cubao ngayong Sabado.

Ayon kay Abante photojournalist Jonas Sulit, alas-sais pa lamang ng umaga ay marami na ang pumila para mabakunahan kabilang ang mga matatanda.

Matatandaang pumayag ang Araneta Group na gamitin ng lungsod ang Big Dome hanggang Mayo 21 para makapagbakuna nang mabilis ang QC government.

“We estimate that the Big Dome will be capable of delivering 1,000 to 1,500 COVID shots per day,” ani Mayor Joy Belmonte kamakailan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?