41

Nov 22, 2021 @ 13:23
By

Turkish national tinadtad ng saksak ni misis

Patay sa pananaksak ng sariling asawa ang isang Turkish national na naninirahan sa Los Baños, Laguna, ayon sa ulat ng pulisya ngayong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Fetullah Yaldizci, 63-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakikipag-inuman si Fetullah dakong alas-8:45 ng gabi nitong Linggo kasama ang misis niyang si Fatma, 32-anyos.

Nagkaroon umano ng matinding pagtatalo ang dalawa hanggang sa kumuha ng kutsilyo si Fatma at pinagsasaksak sa dibdib ang mister.

Nasawi si Fetullah habang dinadala sa pagamutan.

“Nagdilim ang paningin ng suspect dahil sinasaktan ng victim ang kanilang anak,” saad ng isa sa mga pulis.

Samantala, agad namang nahuli si Fatma sapagkat hindi ito tumakas matapos ang krimen. (mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?