28

Mar 24, 2020 @ 21:16
By

Turkish cologne, ginawang ‘alcohol’ kontra COVID-19

Imbes na alcohol, cologne ang naging pangontra ng Turkey kontra sa coronavirus disease o COVID-19.

Naniniwala ang karamihan sa mga Turks na ang cologne ay may mataas na alcohol content na epektibo para mapanatili ang kanilang mga kamay at muhka na malinis.

Dahil sa demand nito, sold out na ang karamihan sa mga tindahan at pharmacies na nagtitinda nito.

Ayon pa sa local media roon, isa namang association sa northwestern city ng Izmit ay nagdedeliber ng libreng cologne pati narin mga tinapay para sa mga matatanda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?