121

Oct 30, 2020 @ 21:38
By

Turkey, Greece ginimbal ng magnitude 7.0 lindol

Niyaning ng magnitude 7.0 na lindol ang parehong Greece at Turkey nitong Biyernes,

Ayon sa US Geological Survey, ang naturang lindol ay tumama sa probinsya ng Ismir sa Turkey, hilaga ng isla sa Greece na Samos.

Dahil sa lakas ng pag-uga, naramdaman maging sa Athens at Istanbul ang nasabing lindol, pati na rin sa Crete island sa Greece.

Wala pang report kung gaano katindi ang nasira ng naturang lindol, ngunit may ilang kumakalat na larawan sa social media ng pagguho ng mga gusali sa Ismir.

Bukod sa lindol, nagkaroon na rin ng tsunami kung saan tumama ang magnitude 7.0 quake.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?