64

By

Turistang Pinoy sugatan sa bus accident sa Thailand

Isang Pinoy umano ang nasaktan nang maaksidente ang sinasakyan nitong bus sa Thailand.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sakay umano ng bus ang hindi pa pinangalanang biktima kasama ang 22 pang Filipino nang tumagilid ito sa highway sa Chumphon, Southern Thailand noong Lunes.

Nagtamo lang umano ng minor injuries ang biktima at nakalabas na ng ospital matapos magamot habang maayos ang lagay ng mga kasama nito.

Itinuloy ng mga turistang Pinoy ang kanilang pamamasyal sa Phuket.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?