36

Feb 7, 2020 @ 20:27
By

Turistang galing China, Hong Kong, Macau bawal na sa Boracay

Para masigurong malinis sa novel coronavirus ang Boracay Island, bawal nang makapasok sa sikat na tourist destination ang mga turistang magmumula sa China, Hong Kong at Macau.

Batay ito sa inilabas na executive order nitong Biyernes ni Malay, Aklan Mayor Frolibar Bautista.

Humingi ng pang-unawa at kooperasyon ang alkalde sa mga maaapektuhan dahil para aniya ito sa precautionary measures sa lugar.

Bunsod ng ban, naglagay na ng border patrol checkpoints sa lahat ng entry points ng Boracay at maging sa bayan ng Malay.

Samantala, habang sinusulat ito, Pebrero 7, ay wala pang kumpirmadong kaso ng virus sa Boracay at Malay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?