9

By

Turistang Chinese, patay sa pagkalunod sa El Nido

Sharing is caring!

Sinubukan pang i-revive ang isang Chinese national pero patay na ito nang madatnan ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office matapos malunod habang naliligo sa Nacpan Beach sa El Nido, Palawan kahapon.

Ayon sa report, kasama ng biktimang si Sun Xuiyan, 48-anyos, ang kaniyang mga kaibigan sa isang island-hopping nang mangyari ang insidente.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang Municipal Tourism Office sa Embahada ng China upang ipaalam sa pamilya ng biktima ang insidente.

Kasalukuyang nasa morge ang bangkay ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?