46

Oct 13, 2021 @ 15:19
By

Turistang bakunado huwag na ipa-quarantine, swab test – cong

Nanawagan si Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na alisin na ang quarantine at RT-PCR test requirement sa mga turistang bakunado laban sa COVID-19.

Ayon kay Ong, kailangan lang ay mayroong pre-booked accommodation at pre-arranged itinerary ang mga turista.

Dapat din umano ay mga bakunado na ang mga staff ng hotel at mga tao na nasa lugar na bubuksan sa turista. Ang mga lugar na bubuksan sa turista ay dapat nasa ilalim din ng General Community Quarantine (GCQ) at Moderate GCQ.

“Since the face-to-face interaction will be among vaccinated individuals, I think that we can skip the RT-PCR requirement and quarantine for international travelers,” sabi ni Ong.

Ipinunto ni Ong na habang unti-unting binubuksan ang mga tourism destination sa bansa gaya ng Boracay, Coron, El Nido, Siargao at Cebu ay mistulang pinipigilan naman ito ng mahigpit at mahal na travel requirement.

“I believe that we are ready to open our tourism to local and international travelers who have been vaccinated. We just have to make sure that that they only come in contact with people who are also vaccinated to minimize the possibility of transmission. The key in doing this properly is strict monitoring and documentation,” sabi ni Ong.

Kailangan umano ng tourism sector ng tulak mula sa gobyerno upang makabangon ito.

Bago ang pandemya, ang sektor ng turismo ay nag-ambag ng 12.7% sa gross domestic product ng bansa at nagbigay ng trabaho sa 5.7 milyong indibiduwal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?