57

Mar 11, 2020 @ 15:57
By

Turista sa Bora, hindi napigil ng COVID-19

Hindi nagpatinag ang ibang mga turista kahit pa laganap na at may banta na ng COVID-19 sa Boracay at iba pang mga lugar sa Pilipinas.

Sa kabila nito, nagmistulang ghost town ang Boracay dahil ang buong shoreline ng isla ay hindi matao.

Mula station 3 hanggang station 1 ay mabibilang lamang sa daliri ang mga turistang nasa nasabing isla ngayong Marso 11.

Nakipag-ugnayan din si Tourism Secretary Bernadette Puyat sa Presidente na maglibot sa bansa upang mapatunayan na ligtas pa rin ang bumiyahe sa Pilipinas kahit pa may banta na ng COVID.

Bukas, Marso 12 ang dating ng Presidente sa isla upang mag-ikot-ikot at tingnan ang pagbabago sa Boracay matapos isara ng anim na buwan dahil sa rehabilitasyon nito.

Inaasahan na kasamang darating ng Pangulo si Senador Bong Go sa Boracay.

Isa rin sa mga inaasahan ay ang paglangoy sa dalampasigan ng Pangulo kasama si Puyat gaya ng sinabi umano nito sa kanyang presscon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?