30

Feb 26, 2021 @ 15:42
By

Turista nahulog sa 1 hotel sa Boracay

Naispatan ng ilang awtoridad ang isang babaeng nakahandusay sa labas ng bakod ng isang hotel sa Boracay.

Doon lang napag-alaman na nahulog pala ito mula sa gusali.

Ayon sa ulat ng GMA News, agad na isinugod sa Ciriaco Tirol Hospital sa Boracay ang 43-anyos na biktima.

Anang Boracay Fire and Rescue Volunteers Incorporated, bumulaga sa kanila ang babaeeng walang malay sa labas ng hotel.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay Police, nakainom daw ang biktima nang mahulog ito.

Kasalukuyang umaarangkada pa ang imbestigasyon sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?