60

Jul 5, 2022 @ 17:01
By

Turista multa ng P3.3-M dahil sa bomb joke

Maaaring mag-multa ng aabot sa 50,000 UK pounds o P3.3 milyon ang isang turista na nag-bomb joke habang nasa loob ng eroplano.

Ayon sa ulat ng The Sun, isang 18-anyos na lalaki mula Britain ang nagbiro tungkol sa pampasabog sa loob ng sinasakyan niyang Airbus A319 na byaheng Spain noong Hulyo 3.

Sa takot ng piloto, tumawag ito sa mga awtoridad sa Spain na nagpadala naman ng isang F18 fighter jet upang bantayan ang eroplano hanggang sa makarating ito nang ligtas sa Menorca, isang isla sa Spain.

Ayon pa sa ulat, maaaring singilin ng pamahalaan ng Spain ng 50,000 UK pounds ang airline dahil sa pag-istorbo nito sa fighter jet. Gayunman, maaaring ipataw ng airline sa suspek ang naturang bayarin.

Matapos namang lumapag nang ligtas ang eroplano ay ininspeksyon itong mabuti ng mga awtoridad. Dito na rin inaresto ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?