206
Turista dedbol matapos mahulog habang nagse-selfie sa Grand Canyon
Mar 29, 2019 @ 21:26
By

Turista dedbol matapos mahulog habang nagse-selfie sa Grand Canyon

Isang lalaki na mula sa Macao ang nahulog sa kanyang kamatayan sa Grand Canyon sa Amerika.

Ayon sa ulat, naglilitrato sa overlook ng Grand Canyon ang turista nang madulas at mahulog.

Agad naglunsad ng helicopter search at sa kasalukuyan ay nagpapatuloy umano ang recovery operation para marekober ang bangkay ng biktima.

Nasa 50s umano ang edad ng lalaki na kabilang sa isang grupo na bumisita sa Eagle Point observation area sa Grand Canyon West.

Ito na ang ikalawang insidente ng pagkamatay sa Grand Canyon nitong linggo.

Noong Martes, isang bisita na rin ang namatay sa South Rim ng Grand Canyon.

Hindi pa malinaw ang ikinamatay ng unang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?