35

Feb 2, 2021 @ 16:54
By

Turista bawal muna sa Baguio

Itinigil ng Baguio City government ang pagtanggap ng mga turista kasunod ng paglalagay sa buong Cordillera Administrative Region sa general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, sa kabila nito’y sumulat sila kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat upang payagan silang tumanggap ng bisita sa kabila ng GCQ status.

Sakaling maaprubahan aniya ng Department of Tourism ay ieendorso ito sa Inter-Agency Task Force (IATF) Against COVID-19.

“We cannot violate the IATF guidelines. We cannot. We have to strictly comply with it. Ang sasabihin na lang namin siguro, just wait for further announcement. But for the meantime, we are not allowing tourists to come up to Baguio City,” aniya sa panayam sa ANC nitong Martes.

Samantala, ani Magalong, ang mga essential traveller o nagbabalik na residente ay dapat magrehistro online para mabigyan ng permit na makapasok sa Baguio City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?