142

Oct 20, 2017 @ 16:06

Turismo sisiglang muli sa paglaya ng Marawi – DOT

Malaking tulong umano para sa sektor ng turismo ang deklarasyon na malaya na ang Marawi City mula sa mga sumalakay na terorista.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo, napatunayan lamang ng gobyerno na kaya nitong sugpuin ang mga banta sa kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Mainam aniya itong pang-engganyo sa mga nais na bumisita sa Pilipinas.

“Our government has proven that it can contain and eliminate any threat to peace and order, and ensure that the country remains a safe place to live and visit,” saad ni Teo.

Dagdag pa ng kalihim, sinasaluduhan ng DOT ang mga tropa ng militar at pulisya, partikular na ang kabayanihan ng 163 sundalo at pulis na nagsakripisyo para mailigtas ang Marawi mula sa terorismo.

Kasabay nito, umapela rin siya ng suporta ng publiko sa gagawing rehabilitasyon ng administrasyon sa Marawi.

“We enjoin the nation to support the Duterte Administration’s recovery and rehabilitation program to restore Marawi City’s vibrant economy, business and livelihood, its reputable educational institutions, hospitals and medical clinics and other public services,” ani Teo.

Naniniwala pa si Teo na ang mas malaking hamon ay kung paano makukuha ang loob, hindi lamang ng mga Pilipinong Muslim na nasa Marawi na naapektuhan ng gyera, kundi pati na ang kalooban ng mga Muslim sa buong rehiyon ng Mindanao. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?