24

Jul 4, 2020 @ 16:23
By

Turismo sa El Nido, muling bubuhayin – DOT Sec. Puyat

Pumunta sa El Nido, Palawan ang Department of Tourism nitong Biyernes para tingnan ang lagay ng mga resort sa nasabing isla.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat at ang mga alkalde sa iba’t ibang lungsod sa Palawan.

Muling bubuksan ang El Nido para makabawi sa nawalang kita na dapat sana’y ibubuhos para sa turismo ng isla.

Mahigit P3.1B ang tourism revenue na nawala dahil sa biglaang pagbaba ng turismo sa El Nido, at mahigit 14,000 ang mga apektadong trabahador ng direct tourism.

Dahil dito ay naisipan ng Department of Tourism na buksan muli ang turismo sa El Nido ngunit hindi mamadaliin at sisiguraduhin muna ng ahensya at ng pamahalaang gobyerno ng Palawan na gagawin ito ng maayos para masiguro ang kaligtasan ng mga residente.

Mabusising inimbestigahan at inikot ni Puyat ang sitwasyon ng mga resort sa El Nido dahil aniya, ang sikat na tourist spot ang pinaka-unang bubuksan para sa mga turista.

Magsasagawa rin ng dry run upang masiguro at mapaghandaan ng mga resort ang pagpunta ng mga turista.

Hinihintay nalang ang approval ni El Nido Mayor Edna Lim para masimulan na ang nasabing dry run.

“With El Nido resort, as soon as possible. I think this July. Kailangan muna payagan ni Mayor Lim. Titingnan muna natin how that goes pero as soon as possible. So the burden is on El Nido resorts.” saad ni Puyat.

Ilulunsad ito ngunit sa mabagal at siguradong paraan dahil gustong maging maingat ng Tourism Secretary pag-dating sa turismo sa bansa. Dagdag pa nito, “Rest assured, it’s still more fun in the Philippines.”

Sa susunod na Linggo ay pupunta sa Bohol si Sec Puyat para silipin at suriin kung handa na rin bang buksan ang turismo roon ngunit aniya, inaasahan pa rin nito ang pagsang-ayon ng LGU.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?