8

Jul 31, 2020 @ 20:47
By

Turismo sa Cebu Province, nagbalik na

Nagbukas ang turismo sa Cebu province matapos ang apat na buwan na maantala ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasama sa mga nanumbalik ay ang interaction sa mga butanding, na isa sa mga pinupuntahan ng mga turista sa nasabing probinsya.

Ito’y matapos na ilagay sa general community quarantine ang Cebu Province matapos itong sumalang sa striktong ECQ dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa lugar.

Para masiguro ang social distancing, 50 percent lamang ng kapasidad ng mga pasahero ang papasakayin sa bangkay.

Samantala, inaasahan na bago mag 2021 ay magbubukas na rin ang turismo sa Bohol.

“We will first have to do our homework. We will first work with the stakeholders and LGUs of Panglao Island to ensure that their services are anti-COVID compliant,” ayon kay Bohol Governor Arthur Yap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?