19

Jul 2, 2020 @ 15:21
By

Turismo sa Cebu province babalik na

Sinabi kahapon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na magpapatuloy na ang mga tourism acitivity sa Cebu province.

Hunyo 30 nang luwagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang status ng lalawigan mula general community quarantine patungong modified GCQ.

Kaya naman, sinabi ng gobernador Garcia na magpapatuloy na ang tourism activities gaya ng canyoneering sa Badian, whale shark watching sa Oslob, at thresher shark watching sa Malapascua, pero dapat sumunod sa “very strict health protocols.”

Nakikipag-ugnayan na umano siya sa Department of Tourism, Department of Health, at Department of Trade and Industry sa paggawa ng mga tourism protocol doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?