78

Apr 28, 2020 @ 20:36
By

Turismo dausdos ng 40% sa Q1: Tourism industry kailangan mag-adjust sa ‘new normal’

Matinding pagsubok ang kinakaharap ng tourism industry dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kailangang makasabay ang turismo ng bansa sa pagpasok sa ‘new normal’ na dulot ng virus outbreak.

Aniya, kasama dito ang regular na paglilinis at pag-disinefect ng mga hotel, tourism transport service, at ilan pang establisimiyento tulad ng mga restaurant at spa.

Kaugnay nito ay kailangan bigyan din ng mga disinfecting device, pati na rin ng personal protective equipment ang mga nagtatrabaho sa tourism industry.

Bubuo din ang Department of Tourism ng online system para sa mga transaksyon kaugnay sa turismo tulad ng pag-apply sa accreditation, training, module at retail.

Maglalagay din ng limit ang DOT sa mga transportasyon, restaurant, tourist spot tulad ng mga museo at parke, pati na rin mga meeting convention.

“International travel might not happen this year. At this point in time, traveling is but a dream,” saad ni Puyat.

Dahil umano sa COVID-19 crisis, plumakda ang kita sa foreign arrival mula January hanggang March 2020 sa P79.8-billion, bumaba ng 40.62 percent kumpara sa P134.3-billion noong nakaraang taon.

Kasabay pa nito ng pag-adjust sa new normal ay tinanggal ng DOT at Tourism Promotions Board ang participation fee para sa mga international fair at exhibition mula pagtatapos ng 2021.

Umayuda din ang DOT sa pagpapauwi ng nasa 23,059 na turista sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?