252

May 1, 2019 @ 10:53
By

Tuparin ang pangako: Mga guro kinalampag si Duterte sa dagdag-sweldo

Ipinaalala ng ilang mga samahan ng guro kay Pangulong Rodrigo Duterte ang taas sa kanilang sweldo na ipinangako nito noong magsimulang manungkulan sa pwesto.

Siyam na teacher org ang nagpadala ng liham sa Office of the President para maipahayag ang kanilang hinaing sa Pangulo na taasan na ang kanilang sweldo na dati nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador na masasakatuparan sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan noong Enero ngayong taon.

Noong Enero ay nagpatikim na ang Presidente na kanyang kakausapin si Department of Education Secretary Leonor Briones ukol sa umento sa sahod.

“Our federations and associations are very much willing to hold a dialogue with your office for a covenant signing for salary increase of teachers,” saad sa lihan ng mga guro.

Sa ngayon, nasa P20,179 ang entry level sa mga public school teacher, nais ng Alliance of Concerned Teachers na itaas ito sa P30,000.

“With the meager salaries that our teacher-members are receiving and the skimpy increase in their salaries with the present Salary Standardization Law, most of them cannot anymore cope with the rising prices of basic commodities and services,” saad sa sulat ng ACT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?