6

By

Tungkulin ni Duterte na protektahan ang EEZ ng Pilipinas – Carpio

Sharing is caring!

Sa ikalawang anibersaryo ng tagumpay ng Pilipinas sa arbitration case na ating isinulong laban sa China, binigyang diin ni Acting Chief Justice Antonio Carpio ang tungkulin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Konstitusyon na protektahan ang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Sa remarks ni Carpio na kanyang binasa sa isang forum, tinukoy niya na bilang Commander-in-Chief, may constitutional duty si Pangulong Duterte na tiyakin na nagsasagawa ng regular naval at aerial patrol ang Armed Forces of the Philipines sa EEZ ng bansa.

“As the Commander-in-Chief of the Armed Forces under the Constitution, the President has the constitutional duty to ensure that the Armed Forces conduct regular naval and aerial patrols in our exclusive economic zone,” saad ni Carpio.

Sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang EEZ ay hanggang 200 nautical miles mula sa baseline kung saan ang estado ay mayroong sovereign rights sa natural resources sa loob ng nasabing teritoryo.

Iginiit ni Carpio na ang tanging paraan para maprotektahan ang ating EEZ ay ang magsagawa ang Philippine Navy at Philippine Air Force ng naval at aerial patrol sa nasabing teritoryo nang sa gayon ay matunton at maaresto ang mga iligal na nangingisda at mga polluter sa lugar.

“The only way to protect our exclusive economic zone is for the Philippine Navy and Philippine Air Force to conduct naval and aerial patrols in our exclusive economic zone for that is how poachers and polluters in the exclusive economic zone can be detected, identified and aprrehended,” ani Carpio.

Ayon kay Carpio, sa ilalim ng UNCLOS, may karapatan ang coastal state na protektahan ang living at non-living resources sa EEZ sa pamamagitan ng pagpapatrolya.

At sa ilalim ng 1987 Constitusyon, ang naatasan na protektahan ang sovereignty ng bansa ay ang AFP.

Ang pagpapatrolya ay hindi umano tumutukoy sa isyu ng freedom of navigation o overflight kundi tungkol ito sa pagbibigay ng proteksyon sa EEZ ng Pilipinas na siya rin hinihingi ng pambansang interes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?