38

Feb 17, 2020 @ 22:47
By

Tuneup game ‘kinarir’ ng NLEX

Kahit tuneup game lang ang Phoenix Super Basketball Tournament, kinuha ni coach Yeng Guiao ang panalo ng kanyang NLEX Road Warriors laban sa San Miguel Beer.

Sa mga ganitong ensayo nakikita ang progreso ng team, sa chemistry at sa focus sa laro.

Apat na Road Warriors ang umiskor ng double figures para pasadsarin ang Beermen 103-97 sa Upper Deck gym sa Pasig nitong Lunes.

Bumandera sa Road Warriors ang 14 ni JR Quinahan, tig-11 nina Kiefer Ravena at Bong Galanza. May 10 points pa si veteran Asi Taulava.

“Any win is a good win, even if it’s in practice,” ani Guiao. “Scrimmages like this is basically trying to feel out ‘yung progress as a team, so it’s a good win to beat San Miguel.”

Parang nagtatantiyahan pa ang magkatunggali, magkabuhol sa 45-45 nang pumasok sa break at nasa unahan ang Beermen 76-74 pagkatapos ng three.

Nagbaon ng 3 si Kris Porter para ilayo sa 99-96 ang NLEX 1:17 pa, bago sinubuan si Ken Ighalo para sa insurance basket 101-95, 22 seconds na lang.

Pinamunuan ng 14 points ni Mo Tautuaa ang San Miguel, may tig-11 sina Kiefer Ravena, Arwind Santos at Alex Cabagnot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?