92

Jun 23, 2021 @ 20:42
By

Tune up ng Gilas at China, nauwi sa tabla

Nauwi sa tabla ang tune-up game sa pagitan ng Gilas Pilipinas at China noong Miyerkoles sa AUF Gym.

Nagtapos ang laban sa iskor na 79-79 matapos tinabla ng 7’5 na sentro ng China na si Liu Chuanxing ang laro sa isang buzzer-beating tip-in.

Lamang pa ang Gilas ng 78-71 sa huling minuto ng laban bago buong-sikap na nilamon ng China ang lamang at maipwersa ang tabla.

Nanguna para sa Gilas si Kai Sotto sa kanyang 13 points habang may tig-12 puntos naman sina Ange Kouame at Jordan Heading.

Hindi naman naglaro sina Dwight Ramos at Carl Tamayo upang ipahinga ang kanilang mga injury.

Ang tune up game ay parte ng preparasyon ng Gilas para sa Olympic Qualifying Tournament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?