27

Jan 5, 2022 @ 18:30
By

Tunay na Wonder Woman! Gal Gadot game manganak linggo-linggo

“Magical” kung ituturing ng Wonder Woman actress na si Gal Gadot ang panganganak, kaya handa umano ito magsilang kada linggo kung posible lamang.

“I love giving birth. I would do it once a week if I could. It’s so magical,” pahayag ng aktres sa panayam sa InStyle.

“I always take epidurals, to be fair, so it’s not so painful. Just the moment you feel like you’re creating life, it’s incredible,” dagdag pa nito.

Noong Hunyo 30, 2021, isinilang ni Gadot ang kaniyang ikatlong anak na babae.

Ngunit inamin ni Gadot na mas mahirap para sa kanya ang pagbubuntis, dahil sa migraines at palaging masama ang kaniyang pakiramdam.

“The pregnancies are hard for me. I feel sick and have migraines. I’m not in my element,” pag-amin ni Gadot.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahayag si Gadot tungkol sa kaligayahan niya sa pagiging ina, dahil dati na niyang sinabi na ang pagkakaroon ng anak ay hindi maikukumpara sa kaniyang career.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?