68

By

Tunay na sweldo ng ‘yong mga player, ibunyag mo – Snow Badua kay Charlie Dy

Tuloy ang sagutan nina sports journalist Snow Badua at Alab Pilipinas team owner at player agent na si Charlie Dy.

Sa Twitter ni Badua ay inisa-isa nito ang mga banat sa kanya ni Dy, unang point ay ang pag;a;abas ng mga blind item ni Snow na hindi umano bine-verify sa mga source.

Sagot niya, si Dy umano ang nag-confirm na tuna yang kanyang mga info dahil si Dy ang mismong umamon dito matapos na magbigay ng hint tungkol sa isang team owner na nalugi.

Pangalawa ay hindi umano pwedeng sisihin si Snow sa mga balita tungkol sa sponsorship ng Alab sa Tanduay dahil hindi naman siya active noon sa social media.

Si Dy rin umano ang naninira sa kanya dahil sa pagsabing ‘attention seeker’ siya noong nagtatrabaho pa sa Sports Radio.

Huli ay hinamon niya si Dy na ilabas ang tunay na sweldo ng kanyang mga hawak na player at dapat din umanong ipaliwanag kung paanong biglang nalipat si Bobby Ray Parks Jr sa TNT KaTropa mula Blackwater.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?